REPORMASYON
BUOD
Ang
repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking pagbabago ng tao tungkol sa
relihiyon. Naglalayon itong baguhin ang pamamalakad sa simbahan. May dalawang
bahagi ang repormasyon, ang repormasyong protestante at repormasyon ng mga
katoliko. Ang indulhensiya ay isang anyo ng kapatawaran sa kasalanan kapalit ng
isang mabuting gawain tulad na lamang ng pagkakawanggawa, pag-aayuno at
paglahok sa estado. May mga taong bumatikos sa simbahan tulad nina martin
luther na naging propesor ng teolohiya sa unibersidad ng wittenburg.
Ninety-five theses ay isinulat ni martin luther sa wikang latin. Nilalaman nito
ang talaan ng mga kanyang protesta tungkol sa indulhensiya. Johann Tetzel siya
ay isang dominikanong monghe na lumibot sa alemanya. Kinumbinsi niya ang mga
tao na tumulong sa pagpapagawa ng katedral para makamit nila ang indulhensiya.
Tinuligsa ni John Wycliff ang maling
sistema ng simbahan. Si john huss ang naging tagasunod ni john wycliff at
pinalaganap ang kaisipan nito. Hindi sya naniniwala sa kompensyon. Iniwan ni
john calvin ang pransiya dahil sa paniniwalang protestante at nagtayo ng
simbahang calvanismo. Sinimulan ni papa leo X ang pagpapagawa ng katedral ni
st. peter ng roma. Siya rin ay ang papang mas mahilig sa pulitika kasya sa
simbahan ay siya rin ang nagtiwalag sa repormista sa luther. Ang great schism
ang tumutukoy sa pagpili ng italyano ng mga italyanong cardinal na maging papa.
Simony ang tawag sa pagbebenta ng posisyon sa simbahan at pag-aayuno hinggil sa
indulhensiya. May tatlong sekta ang protestante, ito ay ang lutheranismo,
calvinismo, at anglikanismo. May naging epekto ang repormasyon sa mga
mamamayan. Una, naging responsable ang simbahang katoloko sa mga hinaing at
pangangailangan ng mga tao. Napaunlad ang seremonya ng simbahan. Maraming
katolikong misyonaryo ang nagpalaganap ng katolisismo. Nag-iwan ng makabuluhang
tatak sa kasaysayan ng kanluran. At nagkaroong ng ”tatlumpung taong digmaan”.
REPLEKSIYON
Ayon sa aking natutunan, ang
repormasyon ay nabuo dahil sa napasok ang simbahang katoliko sa isang magulong
sitwasyon noong panahon ng renaissance. Sa repormasyon umiikot ito tungkol sa
relihiyon at simbahang katoliko. May mga taong bumatikos sa batas ng simbahan
dahil sa mga batas na ipinapatupad nito na nagkakaroon ng di magandang epekto
sa mga mamamayan at sa bansa. Maaring may mga naitutulong ito ngunit para sa
ibang tao hindi maganda at malaki ang epekto nito sa kanila na naging dahilan
ng pagbatikos ng ibang tao at mamamayan dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento