Linggo, Disyembre 10, 2017

Piyudalismo

         PIYUDALISMO

Image result for piyudalismo

                                                         
                                                                          BUOD

                                      Isang matibay na institusyon na naitatag noong panahong medieval. Isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europe noong gitnang panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksyon sa lipunan. Ang piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang paglilingkod. Ang panginoon at basalyo ay kailangang maging tapat at makatugon sa kanilang mga obligasyon at tungkulin sa bawat isa. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nabago nang sumapit ang 700 CE. Ang mga panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Sa kanila ngayon ibinigay ng mga hari ang kanilang mga fief. Ang fief ay lupa na ipinagkaloob ng hari. Ang mga tumatanggap ng fief ay tinawag ng basalyo. Nang sumapit ang 800 CE, ang marangal na ugnayan sa pagitan ng mga lider at pangkat ng mga sundalong Aleman ay isinama sa isang sistema sa paghawak ng lupain. Ang pagiging basalyo at paghawak ng fief ay pinag-isa at ito ngayon ang tinawag na piyudalismo. Nahati sa tatlong pangkat ang mga tao sa lipunan sa lipunang piyudal: ang noble, klerigo, at mga pesante. Sa pangkat ng mga noble kabilang ang mga hari,kanilang basalyo, at ang mga nakakababang panginoon. Namamana ang kanilang katayuan. Sa lipunang piyudal, ang hari ang tanging nag mamay-ari ng mga lupain. Ang manor ay ang sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo. Ang mga mahihirap na naging kleriko ay naging pari sa mga nayon. Ang mga magsasaka ay nasa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang bumubuo ng pinakamalaking bahagdan sa kabuuang populasyon. Ang isang magsasaka kailanman ay hindi maaring maging panginoon. Subalit ang isang taong nagmula sa pangkat ng mga magsasaka ay maaring maging kleriko at tumaas sa ranggo sa simbahan. Ang pinakamaliit na pangkat ay binuo ng mga malayang tao.

                                                                 REPLEKSIYON


                                         Base sa aking natutunan, ang sistemang piyudalismo ay nabuo noong gitnang panahon dahil sa kaguluhan at nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Dahil sa kawalan ng proteksyon ang sistemang piyudalismo ang naging tugon sa kanilang pangangailangan na sa tingin ko ay parehong negatibo at positibong ang resulta pareho sa panginoon at basalyo. Dahil dito kinakailangan magbigay ng lupa sa basalyo kapalit ng proteksyon at paglilingkod at hindi rin ganun kataas ang kasiguraduhang tapat nga ang kanyang basalyo sakanya ngunit positibo rin ito sa paraang may proteksyon at paglilingkod na siyang matatanggap pamamagitan lamang ng pagbibigay ng lupa. Samantalang negatibo rin ang epekto nito sa mga basalyo kung hindi nila gusto ang kanilang lord at kailangan nilang ibuwis at ilagay sa kapahamakan ang kanilang buhay para lang ma proteksyunan ang kanilang lord. Positibo rin sa paraang mabibigyan sila ng sariling lupa ng kanyang pamilya at kung sineswerte na talagang mabait at kasundo nila ang kanilang lord ay mas magiging maayos at mabuti ang kanilang pag lilingkod. Ngunit sa sistemang piyudalismo, masasabi ko ring mas positibo ang epekto nito dahil mas napapalakas nito ang samahan at ugnayan ng lord at basalyo. Nakakatulong ito para magkaisa at magkaintindihan ang mga lord at basalyo at makabuo ng tapat at maayos na samahan sa isa’t isa dahil may kanya kanya silang obligasyon at tungkulin sa isa’t isa.  


3 komento: