RENAISSANCE
BUOD
Ang renaissance
ay mula sa salitang pranses na nangangahulugang “muling pagsilang”. Ito ang
panahong tumutukoy sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Isang panahon sa
kasaysayan ng Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 siglo, na itinuturing na
kultural na tulay sa pagitan ng Middle Ages at modernong kasaysayan. Ito ay
nagsimula bilang kilusang pangkultura sa Italya sa panahon ng Medieval at
lumaganap sa ibang bahagi ng Europa, na nagmamarka sa simula ng modernong edad.
Ang renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga
mamamayan ay muling nabuhay. Binigyang-daan nito ang pagbabago sa iba’t ibang
larangan. Ang mga salik na nagbigay-daan sa renaissance ay ang mga
lungsod-estado sa Italy ang nagdomina sa daanang kalakalan sa pagitan ng
silangan at kanlurang Europe at hilagang asya. Nasa estratehikong lokasyon ang
Italy. Karamihan ng mga ruta ng kalakalan mula sa silangan ay nagsasalubong sa
huling bahagi ng Mediterranean Sea. Ang matatag na estrakturang politikal ng
hilagang Italy ay nakatulong upang maikalat ang yaman ng kalakalan. Sa apat na
lungsod na nabanggit, ang venice, na tinaguriang “reyna ng Adriatiko” ang
pinaka makapangyarihan. Ang humanismo ay isang sistemang pangkaisipan o
aksiyong may malasakit sa interes ng tao. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa
Europe. Tinaguriang “Ama ng Humanismo” si Francesco Petrarca na lalong kilala bilang Petrarch. Kabilang na
dito sina Francesco Petrarca na isinulat ang “His Sonnets to Laura” na isang
tula ng pag-ibig. Giovanni Boccaccio na sumulat ng mga akdang “filostarto”, “teseida”, at “Decameron”. Niccolo Machiavelli sa sumulat ng aklat na “The Prince”. Mga humanista na sina Desiderius Eramus (Netherlands) “In Praise of Holy”. Thomas More (England)“ Utopia”. Francois Rabelias (France) “Gargantua at Pantagruel”. Miguel De Cervantes (Spain) “Don Quixote”. William Shakespeare (England) “Macbeth, Hamlet, Romeo and Juliet, Julius Caesar”. Sa panahon ng Renaissance naging maningning ang larangan ng pagpipinta, eskultura, at arkitektura. Si Giotto Di Bondone ang kauna-unahang Europeo na gumawa ng pigura ng tao akala mo ay kumikilos at buhay. Sa lahat ng pintor ng mga paksang relihiyon, ang pinaka popular ay si Raphael. Ilan sa pinaka-sikat na obra maestra ni Raphael ang larawan ni Madonna, ni maria, ang ina ni Hesus kaya siya ang paboritong pintor ng dalawang santo papa, sina Julius II at si leo X. Isa sa kanyang dakilang likha ang “ school of Athens”. Isa rin sa pinaka mahalagang personalidad sa kasaysayan ng sining sa Italy ay si michaelangelo. Itinuring siya ang pinaka-bantog sa lahat. Sa edad na labintatlo, siya ay naging katulong ng isang pintor at dito natutuhan niyang gumawa ng mga fresco. Ang fresco ay pinta sa mga dingding o sa mga kisame gamit ang watercolor.
REPLEKSIYON
Natutuhan ko na malaki ang naging
pagbabago sa panahon ng renaissance at isa na rito ang muling pagkakaroon ng
interes at pagbibigay buhay sa kalikasan. Lubos na umunlad ang ekonomiya sa
panahon ng renaissance at madaming nakilalang mga tao na kakayahan at talent sa
iba’t ibang larangan ng sining, siyensiya at pamamahala. Madaming nakilalang
mga tao na may kakaibang talino at talento sa paggawa at pagtuklas ng mga
bagay-bagay. Sa panahong renaissance may isang elemento o samahan na naging
malakas ang epekto sa Europe at nagsilbing gabay at dahilan kaya madaming tao
sa Europe noong panahon ng renaissance ay nakilala sa kanilang taglay na
talento at galing sa pagsulat ng mg akda, paggawa ng sining at politika. Madaming
manunulat ang sumikat dahil sa kanilang mga akda na talaga namang tinangkilik
at nagustuhan ng mga tao. Dahil sa kanilang angking talino, nalalaman nila ang
mga maling nangyayari at pagpapalakad sa kanilang bansa na minsan ay di nila
sinasangayunan. Isa sa mga humanista na hanggang sa kasalukuyan ay kilalang kilala lalo na sakanyang akda na romeo at Juliet na nagkaroon pa ng iba’t ibang bersyon ng pelikula at talagang minahal ng mga tao. Si William Shakespeare ay isang humanista na taga England at nagkaroon ng madaming sikat na akda at mga kasabihan na talagang naging tampok sa mga tao. Bukod sa mga humanista madami ring sumikat na sa larangan ng arkitektura, eskultura at pagpipinta na tinatawag na gintong panahon ng sining. Isa sa pinaka-bantog ay si Michelangelo na naging sikat sa paggawa ng fresco o pagpipinta sa mga dingding o kisame.
Ang galing🥰
TumugonBurahinSaan naglayag ang barking portuges.
TumugonBurahin