Huwebes, Disyembre 14, 2017

Bourgeoisie

BOURGEOISIE

BOURGEOISIE 


Related image


                                                           
                                                                  BUOD  
                        Noong panahong piyudalismo, maaring hari, mga maharlika, o mga may mataas na katungkulan sa simbahan ang may kontrol sa bayan. Nang umunlad ang mga bayan, kalakalan, at industriya, isang bagong pangkat ng makapangyarihang tao ang lumitaw. Ang kanilang interes ay magnegosyo kaysa makidigma. Tinawag silang burghers o bourgeoisie. Ang salitang bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa bayan sa Europe noong panahong medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan ng mga magsasaka at sa maharlikang may ari ng lupa. Sa pag unlad ng mga lunsod noong panahong medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat ng sosyo-ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat-pangkat sila upang mapangalagaan ang kanilang interes. Nanguna sa pangkat ng burghers ang mga mangangalakal at bangkero. Pag sapit ng ika-17 na siglo, sinuportahan ng middle class ang prinsipyo ng likas na karapatan at ang gobyernong konstitusyonal laban sa banal na teorya ng pamamahala na nangangahulugang ang kapangyarihan ng isang pinunong mamahal ay mula sa Diyos. Ang rebolusyong industriyal noong ika-19 na siglo ay nagdulot ng mahalagang pagbabago sa kalagayang ekonomiko ng bansa. Sa panahong ito, lubos nang lumakas ang mga bourgeoisie na iba sa naunang tinawag na kapitalista at ang lumalaking bilang ng mga maliliit na bourgeoisie na binubuo ng mga shopkeeper, mga manggagawang teknikal at klerikal. Ang mga kapitalista ay siyang nagmamay-ari ng mga industriya at nakikihalubilo sa mga taong nasa mataas na antas. Sa panahong ito, binuo ni karl max ang teorya ng “class struggle”. Proletariat ang tawag sa mga pangkat ng manggagawa. Ang mga salik sa pag angat ng bourgeoisie ay ang pagbabago ng sining ng pakikidigma ay nagbigay kahinaan sa piyudalismo, pagdami ng mga mersenaryo at ang sistemang guilds. Ang pag-angat ng mga hari ay sanhi sa pagbabago sa sining ang pakikidigma. Ang mga hari ay nakakuha na rin ng mga mersenaryo o mga bayarang kawal na palagian nang maglilingkod sa kanila. Sa isang panig , ang guild ay isang unyon sa pangangalakal na nagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawa. Samantalang sa ibang panig naman, ang guilds ay isang samahan ng mga may-ari ng mga maliliit at katamtamang laki ng paggawaan. Sa ilang kabayanan, ang guilds ay siyang namamayani sa pamahalaang lungsod. Ang ligang hanseatic sa hilagang kalunsuran ng Europe ay pangkat ng mga mangangalakal na kadalasan ay nakikipagtulungan sa mga kalakalan na pag-aari ng mga hari.

                                                                   REPLEKSIYON
                  Natutuhan ko na sa panahon na ito mas napagtutuunan ng pansin ang pagnenegosyo kasya sa pakikidigma o pagsakop ng ibang lupain. Ang mga bata at kabataan ay mas pinag tutuunan ng pansin ang pag aaral kasya sa pagsasanay na makidigma o magkaron ng tungkulin sa mas matataas na tao sa lipunan. Nag aaral sila para maging matagumpay na negosyante at makatulong sa pagbabago sa kanilang bansa. Dahil sa rebolusyong industriyal mas lumakas ang mga bourgeoisie. Dahil mas lumakas ang mga bourgeoisie, mas mabilis mapabuti ang mga kagamitang pamproduksiyon at sa tulong ng pakikipag komonikasyon napaunlad ng bourgeoisie ang mga liblib na lugar. Sa paglipas ng panahon, mas umangat ang bourgeoisie dahil narin sa paghina ng piyudalismo. Dahil sa bourgeoisie, ang mga hari ay pwede ng manguha ng mga mersenaryo o mga bayarang kawal na maglilingkod sa kanila dahil mas madali ito kasya sa pagkuha ng mga magsasaka na kailangan pang dumaan sa pag eensayo o pag hahanda para maprotektahan at mapanglingkudan ang hari. Ang sistemang guilds ay isa rin sa mga naging dahilan ng pag-angat ng bourgeoisie dahil nagkaroon ng benepisyo ang mga mangagawa dahil dito. Dahil sa bourgeoisie tuluyang humina at natigil ang sistemang piyudalismo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento