Linggo, Disyembre 10, 2017

Manoryalismo

MANORYALISMO


Image result for manoryalismo


                                                                    BUOD


                                                 Isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Sa kanlurang Europe noong gitnang panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal (manorial). Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Katapat ito ng piyudalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, sa buhay ng magbubukid at ugnayan sa loob ng manor. Ang manor ay isang lupaing sinasaka. Pinairal ang tinatawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi:taniman sa tagsibol; taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. Ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop. Ang mga serf ay ang mga nagsasaka ng walang bayad kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord. At ang mga freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Sa pusod ng manor makikita ang palasyo ng panginoon. Ang lupaing kinatatayuan ng palasyo ay tinawag na demesne. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan.

                                                                  REPLEKSIYON

                                       Base sa aking natutunan, kung ang piyudalismo ay isang sistemang pulitikal, sosyo- ekonomiko at military. Ang manoryalismo naman ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mag bubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang hari o pyudal kapalit ng proteksyon. Sa manoryalismo, napansin kong umiikot ang sistemang ito sa agrikultura lalo na sa pagtatanim. Ang mga lupa rin dito ay talagang madalas taniman o kaya naman ay ginagamit para sa pastulan. Dahil narin sa limitado ang kanilang kalakalan ay madalas sila nalang ang gumagawa ng kanilang mga pangangailangan. Ang buong populasyon sa manor ay madalas na pagsasaka ang trabaho at sama sama silang nagtatrabaho sa bukid, dahil dito pinairal nila ang three-field system na mas nag palago ng kanilang sakahan at mas nakatulong sa kanilang pagtatanim.

1 komento:

  1. Nice! Pwede po bang magtanong? Paano po humina ang manoryalismo? Asap po need ko lang

    TumugonBurahin