MERKANTILISMO
MERKANTILISMO
BUOD
BUOD
Sa Rebolusyong Komersiyal naipakilala ang mga bagong paraan ng pakikipagkalakalan.Ito ay ang mga sistema ng pagbabangko, saping-puhunan (joint sack), pagtaas ng presyo, at ang pagsulpot ng kapitalismo o pamumuhunan na nagbigay-daan sa sistemang merkantalismo. Ang merkantilismo ay isang patakarang pang-ekonomiya noong ika-16,17 at 18 siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan. Ayos sa teorya,ang kapangyarihan ng isang bansa ay lumalakas kapag mas malaki ang pag-angkat (import) kasya sa pagluluwas (export). Ang merkantilismo ay may tatlong paniniwala: una, ang pagluluwas ay mainam sa kalakalan para sa loob ng bansa ay sa mga karatig bansa. Ikalawa, ang kayamanan ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong ginto at pilak at ikatlo, ang pakikialam ng gobyerno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran, kapag pinairal ito upang matamo ang kaunlaran ng bansa. Ang patakarang merkantilismo umunlad sabay ng pag-unlad at pagtaas ng mga bansang-estado. Mahalagang bagahi ng merkantilismo ang kolonyalismo o ang pananakop ng mga lupain. Lumawak ang dating maliit na kalakalan sa Mediterranean dahil sa panahon ng eksplorasyon. Ang quinine ay putting substance na nakukuha sa balat ng punong-kahoy na galing sa south America. Ang mga industriya sa Europe tulad ng pagmamanupaktura at pagmimina ay napaunlad sa ilalim ng sistemang merkantilismo. Naging malakas ito at nakatakbo kahit walang proteksiyon mula sa sistemang merkantilismo. Mula sa ganitong paniniwala, nagsimualng mag-ugat ang malayang kalakalan. Ang paniniwala sa malayang kalakalan ay isinulat ng isang ekonomistang ingles na si Adam Smith(1776) sa kanyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”. Binigyang-diin sa aklat na ito na ang gobyerno ay hindi dapat makilahok sa mga negosyo sapagkat may likas na puwersa na tutulak sa isang malaks na ekonomiya.
REPLEKSIYON
Natutuhan ko na sa merkantilismo ay mas umiikot ang salitang pera o salapi. Madalas tungkol ito sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa para mas umunlad ang bansa ng Europe. Naniniwala sila na ang kayamanan ng bansa ay tungkol lamang sa kung gano karaming ginto at pilak na hawak nito. Dahil sa eksploytasyon, mas dumami ang paggawa ng mga produkto na gawa sa mga mahahalagang metal at hilaw na produkto na naging dahilan para mas umangat ang kanilang bansa. Mas lumawak ang dating maliit na kalakalan na nagbunga ng pagdami ng mga uri ng kalakal na mas nag pa unlad sa Europe. Ngunit hindi lahat ng mamamayan ay sangayon dito dahil may dinudulot rin itong di magandang epekto sa bansa at isa na rito ang kadahilanang mas pinapayaman nila ang ibang bansa. Mahalaga sakanila ang salitang yaman at di sila basta-basta makakapayag dito. Hindi lahat ng bansa ay uunlad kung gagawin nila ang ganitong sistema ng kalakalan dahil maari rin silang malugi dito kaya nagdulot ito ng di pagkakaunawaan. Ngunit sa paglipas ng panahon nagawan nila ito ng paraan at mas umunlad ang kanilang kalakalan kahit walang sistemang merkantilismo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento