Huwebes, Disyembre 14, 2017

Repormasyon

REPORMASYON

Image result for repormasyon


 BUOD

                                         Ang repormasyon ay kilusang ibinunsod ang malaking pagbabago ng tao tungkol sa relihiyon. Naglalayon itong baguhin ang pamamalakad sa simbahan. May dalawang bahagi ang repormasyon, ang repormasyong protestante at repormasyon ng mga katoliko. Ang indulhensiya ay isang anyo ng kapatawaran sa kasalanan kapalit ng isang mabuting gawain tulad na lamang ng pagkakawanggawa, pag-aayuno at paglahok sa estado. May mga taong bumatikos sa simbahan tulad nina martin luther na naging propesor ng teolohiya sa unibersidad ng wittenburg. Ninety-five theses ay isinulat ni martin luther sa wikang latin. Nilalaman nito ang talaan ng mga kanyang protesta tungkol sa indulhensiya. Johann Tetzel siya ay isang dominikanong monghe na lumibot sa alemanya. Kinumbinsi niya ang mga tao na tumulong sa pagpapagawa ng katedral para makamit nila ang indulhensiya. Tinuligsa ni  John Wycliff ang maling sistema ng simbahan. Si john huss ang naging tagasunod ni john wycliff at pinalaganap ang kaisipan nito. Hindi sya naniniwala sa kompensyon. Iniwan ni john calvin ang pransiya dahil sa paniniwalang protestante at nagtayo ng simbahang calvanismo. Sinimulan ni papa leo X ang pagpapagawa ng katedral ni st. peter ng roma. Siya rin ay ang papang mas mahilig sa pulitika kasya sa simbahan ay siya rin ang nagtiwalag sa repormista sa luther. Ang great schism ang tumutukoy sa pagpili ng italyano ng mga italyanong cardinal na maging papa. Simony ang tawag sa pagbebenta ng posisyon sa simbahan at pag-aayuno hinggil sa indulhensiya. May tatlong sekta ang protestante, ito ay ang lutheranismo, calvinismo, at anglikanismo. May naging epekto ang repormasyon sa mga mamamayan. Una, naging responsable ang simbahang katoloko sa mga hinaing at pangangailangan ng mga tao. Napaunlad ang seremonya ng simbahan. Maraming katolikong misyonaryo ang nagpalaganap ng katolisismo. Nag-iwan ng makabuluhang tatak sa kasaysayan ng kanluran. At nagkaroong ng ”tatlumpung taong digmaan”.
                                   
                                                            REPLEKSIYON
              Ayon sa aking natutunan, ang repormasyon ay nabuo dahil sa napasok ang simbahang katoliko sa isang magulong sitwasyon noong panahon ng renaissance. Sa repormasyon umiikot ito tungkol sa relihiyon at simbahang katoliko. May mga taong bumatikos sa batas ng simbahan dahil sa mga batas na ipinapatupad nito na nagkakaroon ng di magandang epekto sa mga mamamayan at sa bansa. Maaring may mga naitutulong ito ngunit para sa ibang tao hindi maganda at malaki ang epekto nito sa kanila na naging dahilan ng pagbatikos ng ibang tao at mamamayan dito.

Renaissance

RENAISSANCE

Image result for renaissance
                                                             

                                                                           BUOD


                                                  Ang renaissance ay mula sa salitang pranses na nangangahulugang “muling pagsilang”. Ito ang panahong tumutukoy sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Isang  panahon sa kasaysayan ng Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 siglo, na itinuturing na kultural na tulay sa pagitan ng Middle Ages at modernong kasaysayan. Ito ay nagsimula bilang kilusang pangkultura sa Italya sa panahon ng Medieval at lumaganap sa ibang bahagi ng Europa, na nagmamarka sa simula ng modernong edad. Ang renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyang-daan nito ang pagbabago sa iba’t ibang larangan. Ang mga salik na nagbigay-daan sa renaissance ay ang mga lungsod-estado sa Italy ang nagdomina sa daanang kalakalan sa pagitan ng silangan at kanlurang Europe at hilagang asya. Nasa estratehikong lokasyon ang Italy. Karamihan ng mga ruta ng kalakalan mula sa silangan ay nagsasalubong sa huling bahagi ng Mediterranean Sea. Ang matatag na estrakturang politikal ng hilagang Italy ay nakatulong upang maikalat ang yaman ng kalakalan. Sa apat na lungsod na nabanggit, ang venice, na tinaguriang “reyna ng Adriatiko” ang pinaka makapangyarihan. Ang humanismo ay isang sistemang pangkaisipan o aksiyong may malasakit sa interes ng tao. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa Europe. Tinaguriang “Ama ng Humanismo” si Francesco Petrarca  na lalong kilala bilang Petrarch. Kabilang na dito sina Francesco Petrarca na isinulat ang “His Sonnets to Laura” na isang tula ng pag-ibig. Giovanni Boccaccio na sumulat ng mga akdang “filostarto”, “teseida”, at “Decameron”. Niccolo Machiavelli sa sumulat ng aklat na “The Prince”. Mga humanista na sina Desiderius Eramus (Netherlands) “In Praise of Holy”. Thomas More (England)“ Utopia”. Francois Rabelias (France) “Gargantua at Pantagruel”. Miguel De Cervantes (Spain) “Don Quixote”. William Shakespeare (England) “Macbeth, Hamlet, Romeo and Juliet, Julius Caesar”. Sa panahon ng Renaissance naging maningning ang larangan ng pagpipinta, eskultura, at arkitektura. Si Giotto Di Bondone ang kauna-unahang Europeo na gumawa ng pigura ng tao akala mo ay kumikilos at buhay. Sa lahat ng pintor ng mga paksang relihiyon, ang pinaka popular ay si Raphael. Ilan sa pinaka-sikat na obra maestra ni Raphael ang larawan ni Madonna, ni maria, ang ina ni Hesus kaya siya ang paboritong pintor ng dalawang santo papa, sina Julius II at si leo X. Isa sa kanyang dakilang likha ang “ school of Athens”. Isa rin sa pinaka mahalagang personalidad sa kasaysayan ng sining sa Italy ay si michaelangelo. Itinuring siya ang pinaka-bantog sa lahat. Sa edad na labintatlo, siya ay naging katulong ng isang pintor at dito natutuhan niyang gumawa ng mga fresco. Ang fresco ay pinta sa mga dingding o sa mga kisame gamit ang watercolor. 




                                                                 REPLEKSIYON
 
                             Natutuhan ko na malaki ang naging pagbabago sa panahon ng renaissance at isa na rito ang muling pagkakaroon ng interes at pagbibigay buhay sa kalikasan. Lubos na umunlad ang ekonomiya sa panahon ng renaissance at madaming nakilalang mga tao na kakayahan at talent sa iba’t ibang larangan ng sining, siyensiya at pamamahala. Madaming nakilalang mga tao na may kakaibang talino at talento sa paggawa at pagtuklas ng mga bagay-bagay. Sa panahong renaissance may isang elemento o samahan na naging malakas ang epekto sa Europe at nagsilbing gabay at dahilan kaya madaming tao sa Europe noong panahon ng renaissance ay nakilala sa kanilang taglay na talento at galing sa pagsulat ng mg akda, paggawa ng sining at politika. Madaming manunulat ang sumikat dahil sa kanilang mga akda na talaga namang tinangkilik at nagustuhan ng mga tao. Dahil sa kanilang angking talino, nalalaman nila ang mga maling nangyayari at pagpapalakad sa kanilang bansa na minsan ay di nila sinasangayunan. Isa sa mga humanista na hanggang sa kasalukuyan ay kilalang kilala lalo na sakanyang akda na romeo at Juliet na nagkaroon pa ng iba’t ibang bersyon ng pelikula at talagang minahal ng mga tao. Si William Shakespeare ay isang humanista na taga England at nagkaroon ng madaming sikat na akda at mga kasabihan na talagang naging tampok sa mga tao. Bukod sa mga humanista madami ring sumikat na sa larangan ng arkitektura, eskultura at pagpipinta na tinatawag na gintong panahon ng sining. Isa sa pinaka-bantog ay si Michelangelo na naging sikat sa paggawa ng fresco o pagpipinta sa mga dingding o kisame. 

  

Bourgeoisie

BOURGEOISIE

BOURGEOISIE 


Related image


                                                           
                                                                  BUOD  
                        Noong panahong piyudalismo, maaring hari, mga maharlika, o mga may mataas na katungkulan sa simbahan ang may kontrol sa bayan. Nang umunlad ang mga bayan, kalakalan, at industriya, isang bagong pangkat ng makapangyarihang tao ang lumitaw. Ang kanilang interes ay magnegosyo kaysa makidigma. Tinawag silang burghers o bourgeoisie. Ang salitang bourgeoisie ay tumutukoy sa mga malalayang tao sa bayan sa Europe noong panahong medyibal. Sila ang umokupa sa posisyon sa pagitan ng mga magsasaka at sa maharlikang may ari ng lupa. Sa pag unlad ng mga lunsod noong panahong medyibal bilang mga sentro ng kalakalan at komersiyo, ang mga bourgeoisie ay naging mahalagang pangkat ng sosyo-ekonomiko. Kadalasan, nagpapangkat-pangkat sila upang mapangalagaan ang kanilang interes. Nanguna sa pangkat ng burghers ang mga mangangalakal at bangkero. Pag sapit ng ika-17 na siglo, sinuportahan ng middle class ang prinsipyo ng likas na karapatan at ang gobyernong konstitusyonal laban sa banal na teorya ng pamamahala na nangangahulugang ang kapangyarihan ng isang pinunong mamahal ay mula sa Diyos. Ang rebolusyong industriyal noong ika-19 na siglo ay nagdulot ng mahalagang pagbabago sa kalagayang ekonomiko ng bansa. Sa panahong ito, lubos nang lumakas ang mga bourgeoisie na iba sa naunang tinawag na kapitalista at ang lumalaking bilang ng mga maliliit na bourgeoisie na binubuo ng mga shopkeeper, mga manggagawang teknikal at klerikal. Ang mga kapitalista ay siyang nagmamay-ari ng mga industriya at nakikihalubilo sa mga taong nasa mataas na antas. Sa panahong ito, binuo ni karl max ang teorya ng “class struggle”. Proletariat ang tawag sa mga pangkat ng manggagawa. Ang mga salik sa pag angat ng bourgeoisie ay ang pagbabago ng sining ng pakikidigma ay nagbigay kahinaan sa piyudalismo, pagdami ng mga mersenaryo at ang sistemang guilds. Ang pag-angat ng mga hari ay sanhi sa pagbabago sa sining ang pakikidigma. Ang mga hari ay nakakuha na rin ng mga mersenaryo o mga bayarang kawal na palagian nang maglilingkod sa kanila. Sa isang panig , ang guild ay isang unyon sa pangangalakal na nagtataguyod ng kapakanan ng mga manggagawa. Samantalang sa ibang panig naman, ang guilds ay isang samahan ng mga may-ari ng mga maliliit at katamtamang laki ng paggawaan. Sa ilang kabayanan, ang guilds ay siyang namamayani sa pamahalaang lungsod. Ang ligang hanseatic sa hilagang kalunsuran ng Europe ay pangkat ng mga mangangalakal na kadalasan ay nakikipagtulungan sa mga kalakalan na pag-aari ng mga hari.

                                                                   REPLEKSIYON
                  Natutuhan ko na sa panahon na ito mas napagtutuunan ng pansin ang pagnenegosyo kasya sa pakikidigma o pagsakop ng ibang lupain. Ang mga bata at kabataan ay mas pinag tutuunan ng pansin ang pag aaral kasya sa pagsasanay na makidigma o magkaron ng tungkulin sa mas matataas na tao sa lipunan. Nag aaral sila para maging matagumpay na negosyante at makatulong sa pagbabago sa kanilang bansa. Dahil sa rebolusyong industriyal mas lumakas ang mga bourgeoisie. Dahil mas lumakas ang mga bourgeoisie, mas mabilis mapabuti ang mga kagamitang pamproduksiyon at sa tulong ng pakikipag komonikasyon napaunlad ng bourgeoisie ang mga liblib na lugar. Sa paglipas ng panahon, mas umangat ang bourgeoisie dahil narin sa paghina ng piyudalismo. Dahil sa bourgeoisie, ang mga hari ay pwede ng manguha ng mga mersenaryo o mga bayarang kawal na maglilingkod sa kanila dahil mas madali ito kasya sa pagkuha ng mga magsasaka na kailangan pang dumaan sa pag eensayo o pag hahanda para maprotektahan at mapanglingkudan ang hari. Ang sistemang guilds ay isa rin sa mga naging dahilan ng pag-angat ng bourgeoisie dahil nagkaroon ng benepisyo ang mga mangagawa dahil dito. Dahil sa bourgeoisie tuluyang humina at natigil ang sistemang piyudalismo.

Merkantalismo

MERKANTILISMO

MERKANTILISMO


Related image


                                                                     BUOD

                      Sa Rebolusyong Komersiyal naipakilala ang mga bagong paraan ng pakikipagkalakalan.Ito ay ang mga sistema ng pagbabangko, saping-puhunan (joint sack), pagtaas ng presyo, at ang pagsulpot ng kapitalismo o pamumuhunan na nagbigay-daan sa sistemang merkantalismo. Ang merkantilismo ay isang patakarang pang-ekonomiya noong ika-16,17 at 18 siglo na kung saan kontrolado ng gobyerno ang industriya at kalakalan. Ayos sa teorya,ang kapangyarihan ng isang bansa ay lumalakas kapag mas malaki ang pag-angkat (import) kasya sa pagluluwas (export). Ang merkantilismo ay may tatlong paniniwala: una, ang pagluluwas ay mainam sa kalakalan para sa loob ng bansa ay sa mga karatig bansa. Ikalawa, ang kayamanan ng bansa ay nakasalalay sa taglay nitong ginto at pilak at ikatlo, ang pakikialam ng gobyerno sa pambansang ekonomiya ay makatwiran, kapag pinairal ito upang matamo ang kaunlaran ng bansa. Ang patakarang merkantilismo umunlad sabay ng pag-unlad at pagtaas ng mga bansang-estado. Mahalagang bagahi ng merkantilismo ang kolonyalismo o ang pananakop ng mga lupain. Lumawak ang dating maliit na kalakalan sa Mediterranean dahil sa panahon ng eksplorasyon. Ang quinine ay putting substance na nakukuha sa balat ng punong-kahoy na galing sa south America. Ang mga industriya sa Europe tulad ng pagmamanupaktura at pagmimina ay napaunlad sa ilalim ng sistemang merkantilismo. Naging malakas ito at nakatakbo kahit walang proteksiyon  mula sa sistemang merkantilismo. Mula sa ganitong paniniwala, nagsimualng mag-ugat ang malayang kalakalan. Ang paniniwala sa malayang kalakalan ay isinulat ng isang ekonomistang ingles na si Adam Smith(1776) sa kanyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations”. Binigyang-diin sa aklat na ito na ang gobyerno ay hindi dapat makilahok sa mga negosyo sapagkat may likas na puwersa na tutulak sa isang malaks na ekonomiya.

                                                                    REPLEKSIYON

                       Natutuhan ko na  sa merkantilismo ay mas umiikot ang salitang pera o salapi. Madalas tungkol ito sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa para mas umunlad ang bansa ng Europe. Naniniwala sila na ang kayamanan ng bansa ay tungkol lamang sa kung gano karaming ginto at pilak na hawak nito. Dahil sa eksploytasyon, mas dumami ang paggawa ng mga produkto na gawa sa mga mahahalagang metal at hilaw na produkto na naging dahilan para mas umangat ang kanilang bansa. Mas lumawak ang dating maliit na kalakalan na nagbunga ng pagdami ng mga uri ng kalakal na mas nag pa unlad sa Europe. Ngunit hindi lahat ng mamamayan ay sangayon dito dahil may dinudulot rin itong di magandang epekto sa bansa at isa na rito ang kadahilanang mas pinapayaman nila ang ibang bansa. Mahalaga sakanila ang salitang yaman at di sila basta-basta makakapayag dito. Hindi lahat ng bansa ay uunlad kung gagawin nila ang ganitong sistema ng kalakalan dahil maari rin silang malugi dito kaya nagdulot ito ng di pagkakaunawaan. Ngunit sa paglipas ng panahon nagawan nila ito ng paraan at mas umunlad ang kanilang kalakalan kahit walang sistemang merkantilismo.

Linggo, Disyembre 10, 2017

Manoryalismo

MANORYALISMO


Image result for manoryalismo


                                                                    BUOD


                                                 Isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Sa kanlurang Europe noong gitnang panahon, ang ekonomiya ay nakasentro sa sistemang manoryal (manorial). Ito ay sistemang agrikultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay manor. Katapat ito ng piyudalismo. Ito ay sistemang gumagabay sa paraan ng pagsasaka, sa buhay ng magbubukid at ugnayan sa loob ng manor. Ang manor ay isang lupaing sinasaka. Pinairal ang tinatawag na three-field system. Sa sistemang ito, ang bukirin ay hinati sa tatlong bahagi:taniman sa tagsibol; taniman sa taglagas, at ang lupang tiwangwang. Ang taniman ay pinaiikot sa bawat taon upang mapanatili ang fertility ng lupa. Ang mga alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop. Ang mga serf ay ang mga nagsasaka ng walang bayad kundi kapirasong lupa at proteksyon mula sa mga knight ng kanilang lord. At ang mga freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Sa pusod ng manor makikita ang palasyo ng panginoon. Ang lupaing kinatatayuan ng palasyo ay tinawag na demesne. Mahirap ang buhay ng mga naninirahan sa manor. Wala silang ugnayan sa ibang pamayanan dahil limitado lamang ang nagaganap na kalakalan.

                                                                  REPLEKSIYON

                                       Base sa aking natutunan, kung ang piyudalismo ay isang sistemang pulitikal, sosyo- ekonomiko at military. Ang manoryalismo naman ay isang sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mag bubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang hari o pyudal kapalit ng proteksyon. Sa manoryalismo, napansin kong umiikot ang sistemang ito sa agrikultura lalo na sa pagtatanim. Ang mga lupa rin dito ay talagang madalas taniman o kaya naman ay ginagamit para sa pastulan. Dahil narin sa limitado ang kanilang kalakalan ay madalas sila nalang ang gumagawa ng kanilang mga pangangailangan. Ang buong populasyon sa manor ay madalas na pagsasaka ang trabaho at sama sama silang nagtatrabaho sa bukid, dahil dito pinairal nila ang three-field system na mas nag palago ng kanilang sakahan at mas nakatulong sa kanilang pagtatanim.

Piyudalismo

         PIYUDALISMO

Image result for piyudalismo

                                                         
                                                                          BUOD

                                      Isang matibay na institusyon na naitatag noong panahong medieval. Isang sistemang politikal at militar sa kanlurang Europe noong gitnang panahon. Sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan, nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksyon sa lipunan. Ang piyudalismo ay isang ugnayan ng mga aristokrata (aristocrat) o ng panginoon (lord) at kanyang basalyo (vassal). Pinagkalooban ng mga panginoon ang kanilang basalyo ng lupa kapalit ng serbisyong militar at iba pang paglilingkod. Ang panginoon at basalyo ay kailangang maging tapat at makatugon sa kanilang mga obligasyon at tungkulin sa bawat isa. Ang ganitong ugnayan ng panginoon ay nabago nang sumapit ang 700 CE. Ang mga panginoon ay kailangan ng mga hari upang labanan ang mga mananalakay. Sa kanila ngayon ibinigay ng mga hari ang kanilang mga fief. Ang fief ay lupa na ipinagkaloob ng hari. Ang mga tumatanggap ng fief ay tinawag ng basalyo. Nang sumapit ang 800 CE, ang marangal na ugnayan sa pagitan ng mga lider at pangkat ng mga sundalong Aleman ay isinama sa isang sistema sa paghawak ng lupain. Ang pagiging basalyo at paghawak ng fief ay pinag-isa at ito ngayon ang tinawag na piyudalismo. Nahati sa tatlong pangkat ang mga tao sa lipunan sa lipunang piyudal: ang noble, klerigo, at mga pesante. Sa pangkat ng mga noble kabilang ang mga hari,kanilang basalyo, at ang mga nakakababang panginoon. Namamana ang kanilang katayuan. Sa lipunang piyudal, ang hari ang tanging nag mamay-ari ng mga lupain. Ang manor ay ang sentrong pangkabuhayan na pinamumunuan ng panginoong nakatira sa kastilyo. Ang mga mahihirap na naging kleriko ay naging pari sa mga nayon. Ang mga magsasaka ay nasa pinakamababang antas ng lipunan. Sila ang bumubuo ng pinakamalaking bahagdan sa kabuuang populasyon. Ang isang magsasaka kailanman ay hindi maaring maging panginoon. Subalit ang isang taong nagmula sa pangkat ng mga magsasaka ay maaring maging kleriko at tumaas sa ranggo sa simbahan. Ang pinakamaliit na pangkat ay binuo ng mga malayang tao.

                                                                 REPLEKSIYON


                                         Base sa aking natutunan, ang sistemang piyudalismo ay nabuo noong gitnang panahon dahil sa kaguluhan at nabalutan ng kawalan ng katarungan at proteksiyon ang lipunan. Dahil sa kawalan ng proteksyon ang sistemang piyudalismo ang naging tugon sa kanilang pangangailangan na sa tingin ko ay parehong negatibo at positibong ang resulta pareho sa panginoon at basalyo. Dahil dito kinakailangan magbigay ng lupa sa basalyo kapalit ng proteksyon at paglilingkod at hindi rin ganun kataas ang kasiguraduhang tapat nga ang kanyang basalyo sakanya ngunit positibo rin ito sa paraang may proteksyon at paglilingkod na siyang matatanggap pamamagitan lamang ng pagbibigay ng lupa. Samantalang negatibo rin ang epekto nito sa mga basalyo kung hindi nila gusto ang kanilang lord at kailangan nilang ibuwis at ilagay sa kapahamakan ang kanilang buhay para lang ma proteksyunan ang kanilang lord. Positibo rin sa paraang mabibigyan sila ng sariling lupa ng kanyang pamilya at kung sineswerte na talagang mabait at kasundo nila ang kanilang lord ay mas magiging maayos at mabuti ang kanilang pag lilingkod. Ngunit sa sistemang piyudalismo, masasabi ko ring mas positibo ang epekto nito dahil mas napapalakas nito ang samahan at ugnayan ng lord at basalyo. Nakakatulong ito para magkaisa at magkaintindihan ang mga lord at basalyo at makabuo ng tapat at maayos na samahan sa isa’t isa dahil may kanya kanya silang obligasyon at tungkulin sa isa’t isa.